PSA to shiftees: Follow your passion like Ate Dee

Society usually has a distinct attitude toward shiftees in universities. Some people think they’re pataponbumagsakwalang direksyon sa buhay because why else would they shift from course to course, right?

Wrong. 

reactiongifs.com

When people come to harsh conclusions like those, it shows what kind of person you really are, and you miss out on extraordinary people such as Dearra Canlas, otherwise known as Ate Dee.

shifteesunite!
facebook.com/dearra.canlas

Dearra is one of the many shiftees in our lifetime who have found a better route in their life. She is one of those brave souls who followed her passion.

Her parents originally wanted her to take up dentistry to become the first dentist in their family, and in order to do so, she had to take up medical technology to get in a good school offering dentistry.

During the second semester of her medtech life, she was finally able to shift to dentistry. “Hindi madali ang proseso. Punta dito, punta doon. Ang dami mong kailangang gawin,” she said.

“International Student” na ko o ang bansag nila sa mga irregular students. Dahil wala kang block section. Kung saan saang kurso/klase ang nakakasama ko sa iba iba kong subjects. Masaya din maging irregular student dahil marami kang nakakasalumuha na iba’t-ibang klase ng tao. Pero hindi nawawala sa tingin ng iba na pag shifter/irregular student ka, ay tila ba isa kang alien na hindi dapat sa mundo nila. Wala din tumutulong sayo dahil hindi ka naman nila kablock. Masakit. Pero natuto akong tanggapin lahat at magtiwala sa kakayahan ko. After all wala naman akong ibang aasahan kundi ang sarili ko.

“Dumating ang time na bumagsak ako. Hindi ko matanggap dahil alam kong ginawa ko lahat upang makabawi sa mga subjects ko.” She told her mom that it was hard, to which she replied, “Wala namang madaling course anak. Kaya mo yan.”

“Ipinagpatulong ko pa din sa kagustuhan na ma-please ang mga magulang ko, ang buong angkan ko, mga kaibigan ko, ang ibang tao.”

One thing stuck with her whenever people would ask her about what course she was taking: whenever she replied, she wasn’t exactly happy.

“Sa tuwing binabanggit ko yun, hindi ko maramdaman yung saya. Ngumingiti ako oo. Pero parang may kulang.”

Hindi ako masaya. Hindi ko na gusto yung ginagawa ko. Pumapasok ako for the sake na maipasa ko lang ang subject. Kahit hindi ako nageexcel. Hindi worth it sa grado na natatanggap ko ang mga ginagastos ni mama sa tuition ko galing sa pagtatrabaho nya bilang contractor. Ang perang pinaghihirapan ni papa na pinapadala para sa mga libro at gamit ko. Walang napupuntahan.

She was conflicted, but she mentioned Lord was there to give her an answer. “Sabi sakin ni Lord, ‘Bitawan mo na at tanggapin mo. Meron akong ibibigay na mas maganda sayo.’ Nabuo ang pasya ko. Ayaw ko ng mapunta sa wala lahat ang pagtustos sakin ng mga magulang ko para sa pagaaral na hindi ko naman gusto.”

She told her parents, and they weren’t thrilled about it, but they accepted it.

Ang akala ko hindi nila ko maiintindihan. Pero ang magulang ay magulang, kahit ilang beses bumagsak o magkamali ang anak, tatanggapin pa din nila. Sa una may may disappointment. Pero palipasin nyo lang, hindi din nila kayo matitiis.

She took a couple of months off to think of what she really wanted. “Nakapag decide ako na panindigan ang 2nd course na gusto ko talaga. Tourism.”

“Nagtransfer ako sa JRU [Jose Rizal University]. Sa pagkakataong ito, ipinangako ko sa sarili ko na gagalingan ko na. Ayoko ng maulit yung nangyari sakin sa dati kong paaralan. Gusto kong magexcel at maging proud sila mama sakin.”

Sabi nila madali lang ang tourism. Hindi po madaling magkabisa ng lahat ng Airline codes at Country codes ng buong mundo. Magpunta sa iba’t ibang lugar para pagaralan ang pagsustain ng isang attraction/destination. Mag input ng Amadeus. Mag gawa ng costing ng mga itinerary, kumuha ng marketing at management subjects. At lalong lalo na ang mag handle ng isang event. Kasabay pa ng pagiging part mo ng organization. Pero masaya akong ginagawa ang lahat ng yon. Wala naman talagang madaling kurso. Nasasayo na lang kung mamahalin mo o hindi yung ginagawa mo.

“Kapag tinatanong ng mga tao kung ano na ang kurso ko, buong puso kong sinasabi na BS Tourism Management ako. Sa kursong ito ko naramdaman yung saya na hinahanap ko. Sa kursong ito ako naging extra ordinaryong estudyante. Nakakapagod oo. Pero sulit lahat ng pagod at sakripisyo,” she added.

Sinasabi nila na sayang at nagshift ako. WALANG SAYANG.

Wala akong pinagsisisihan na nagshift ako.
Dahil dito ko natagpuan yung passion ko.
Dito ko nakilala ang mga pinaka extra ordinaryong tao na tumanggap sakin.
Dito sa paaralang ito nahubog ang pagkatao ko.
Ang kursong ito ang nagbigay sakin sa napakadaming oportunidad.
Dito ako nilagay ng Panginoon para maka impluwensya ng ibang tao.

She then asks her fellow students to think about the path they’re in.

“Nakikita nyo ba ang sarili nyo sa future na matagumpay sa kursong tinatahak nyo? Think. Para hindi masayang ang pagod, oras at ipinupuhunan sa inyo ng mga magulang nyo.”

No one can ever dictate your future. Have courage in taking the risks. It will make you a stronger person. Keep pursuing what you really want.
Don’t waste time. Don’t lose hope. Have faith in what you can do. Strive harder for what you really want.

CANLAS, DEARRA MAE T.
– Bachelor of Science in Tourism Management 🎓🎓🎓
– Shifter
– Degree Holder
– Scholar ni Mama at Papa
– President of the Year S.Y. 2016-2017
– Leadership Awardee, S.Y. 2016-2017
– Outstanding Officer S.Y. 2015-2016
– Over-all Chairwoman, Central Student Council S.Y. 2016-2017
– President, Association of Tourism Management Students S.Y. 2016-2017
– Chairwoman Events and Sponsorship Commitee, ATOMS S.Y. 2015-2017
– Board of Director Events Committee, League of Tourism Students of the Philippines- NCR Chapter S.Y. 2015-2016
– ASEAN Youth Camp 2015 Delegate from the Philippines, ASEAN Organization
– Part-time Make up Artist
– “Ate Dee” ng lahat 😊
– Jose Rizal University

Thank you, Ate Dee.

Facebook Comments