FUNNY: This guy photoshopped himself with his celeb ‘exes’ – complete with apology letters

Gelo Lasin

Lara Jean is SHOOKT

Melnar Arquillo sent netizens ROFL when his FB album went viral, where he expertly photoshopped himself beside certain celebs and addressing them as his ‘exes’ in a series of hilarious, self-depreciating apology letters.

He started off the album by saying:

‘Sa mga naging ex ko, alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko sa inyo. Hindi ko man nasabi noon, gusto kong mag-sorry sa pamamagitan ng sulat na ito. Sana’y mabasa niyo.’

Check out his ‘past flings’ below

1.

‘Maine,

I’m very sorry for being an assh*le. Nakalimutan kong red nga pala ang napag-usapan nating i-suot. Next time, pula na talaga isusuot ko, ‘di na assh*le.’

‘Sorry din noong dumalaw ka sa bahay. Natata* ka na no’n pero walang tubig sa banyo. Bilib ako sayo kasi napagkasya mo ang isang pirasong tisyu para lang makapaglabas ng sama ng loob.’

2.

‘Kath,

Sorry kung di marunong ang photographer na na-hire ko. Pati tuloy ako nawalan ng pokus sa’yo.#KatMel

3.

‘Adele – Hello
Miley – Wrecking Ball
Ariana – Break Free
Selena – telege kung ako’y mejo tenge’

4.

‘Majal kong Ivy,

Sorry kung tinulugan kita noong kinukwento mo kung paano ka nata* sa gown mo sa kasal niyo ni Arnaldo at kung paano tumirik ang mga mata ni Emilia noong naamoy niya ito.’

5.

‘Liza,

Sorry kung pinanggigilan kita. GigiL muh k4Ze c AquOh!’

6.

‘Katy, 

Sorry kung ‘di ko natupad ang wish mong magkaroon ng sariling swimming pool. Inflatable pool lang ang afford ko e. Sorry din kung di mo maintindihan ‘tong nakasulat dito. ‘Di ako marunong mag english e. Nano-nosebleed ako.

Eto nga’t pina-translate ko kay Pareng Gugel para maintindihan mo:

I’m sorry if I did not wish to your swimming pool. Inflatable pool only I can afford e. Sorry also if you do not understand ‘tong says. I do not speak english e. I’m nosebleed.

7.

‘Pia,

Sorry kung nagalit ka noong nangyari ‘to:

“Honey,” bulong mo habang naglalambing at hinahaplos ang braso ko, “wala na akong underweahhhhhr.”

“Ha?” tanong ko. “Wala na naman? Kabibili ko lang last week ah! Bakit nauubos yan? Baka kung kani-kanino mo pinamimigay ha? Di bale, hayaan mo’t bukas na bukas ay ibibili kita. Matulog ka na.”

Hanggang ngayon, hindi ko alam kung bakit na-badtrip ka. Tinupad ko naman promise ko. Hay, ewan.’

8.

‘Megan & Kylie, 

Sorry kung nag-away pa kayo para lang pag-agawan ako.’

9.

‘Kim & Meg,

Sorry kung pinagsabay ko kayo. Nakakalito kung alin ba ang dapat na piliin ko – busilak na kalooban? O ganda ng kinabukasan?’

10.

‘Liza,

Wala akong dapat ihingi ng sorry dahil ako itong iniwan mo. Alam kong darating ang araw na babalik ka sa ‘kin at eto lang masasabi ko: “Coca Cola lang sana ang ‘yong minahal, ‘di ka na muling luluha pa.”‘

Honestly, I’m not sure which one’s cooler; the amazing photoshop skills, or the witty apology letters. What do you think?

Facebook Comments