Cebu Pacific employee allegedly mistreats Muslim passengers

Airline stories have continued to accumulate over time, both good and bad, with this one being part of the former.

Hanifah Dalidig Bedar tells her Cebu Pacific story through a post on Facebook.

Turuan nyo sana mga empleyado nyo na irespeto lahat ng pasahero. Sa isang counter kahapon, si kuya ay nagdabog dahil sa kanya kami pumunta (not sure if dahil marami kaming dala o dahil Muslims kami). Nang ibigay namin ang IDs, hiningan nya si Tita 1 ng isa pang ID (nang hindi sinasabi ang rason). Nang si Tita 2 ay walang maibigay liban sa TIN ID, sunod-sunod na ang aroganteng tanong ni kuya: “Ano pangalan nyo?” “Kailan nyo pinagawa ito?” “San nyo to pinagawa?” “Anong specific store nyo to kinuha?” “Kailan ang birthday nyo?” Yung ibang sagot ni Tita 2 na hindi marinig ni kuya ay inulit ko ngunit pa-bastos akong sinabihan na wag sumagot. Ang masama pa, hindi matapos-tapos ang pagtatanong ni kuya sabay tingin sa ID na tila gustong ipahiwatig na peke ito (mukhang hindi din alam ni kuya ang BIR).

Nang hindi na ako makatiis, tinanong ko si kuya kung ginagawa nya ito sa lahat. Syempre pagalit nyang sinabi “oo, tinatanong namin ang lahat.” Kaya sinabi ko din na babantayan ko ang susunod na pasahero. As expected, hindi nya tinanong ang sumunod na pasahero. Kinuha lamang nito ang ID at nagprint ng boarding pass. Walang kahit anong interogasyon tulad ng ginawa sa amin. Dahil sa inis ay nasabi kong “wag kang bastos, hindi mo ba alam abogado ako at fiscal ang tatay ko?” Sabay sabi nito “alam ko!” Sunod kong sinabi “kuya, abangan mo mukha mo sa facebook,” at pahamon nitong sinabi na “okay!”

She continues:

Wala sana akong plano mag-post pero gusto ko sana umabot sa Cebu Pacific at kay kuya ang mensahe na ito: “Muslims po kami, pero hindi po kami terorista. Naiintindihan namin na may karapatan kayong magtanong, pero wag nyo po abusuhin. Magtanong kayo sa lahat at yung may courtesy. Pasahero din po kami na nagbabayad, tratuhin nyo din po sana kami nang maayos. Hirap na nga kami pumunta sa ibang bansa nang hindi tinititigan nang masama ng iba, pati ba naman dito sa Pilipinas? Reminder, mga Pilipino din po kami. Kahit wag nyo na kaming tanggapin na kalahi nyo, tratuhin nyo lang po kami bilang mga tao, sapat na po iyon sa ngayon.”

What do you think of this? Leave a comment below.

 

Facebook Comments